-- Advertisements --

LAOAG CITY – Arestado ang isang dentistry graduate sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa lungsod ng Laoag.

Nakilala ito na si Michael Garces Jr., 36-anyos, residente ng Brgy. Albano, Dingras, Ilocos Norte.

Narekober mula kay Garces ang dalawang sachet ng shabu, ilang drug peraphernalia at P1,000 marked money.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Laoag kay Garces, inamin niya na gumagamit siya ng droga para makatulong sa kanyang paghahanda para sa board examinations.

Pinabulaanan naman din ni Garces ang akusasyon na nagtitinda ito ng illegal na droga.

Sa ngayon, nanatili si Garces sa kustodya ng PNP-Laoag at inihahanda na ang kasong isasampa laban dito.