-- Advertisements --

Naitabla ng Portland Trail Blazers ang serye sa tig-isang panalo matapos na mamayani sa Game 2 kontra sa Denver Nuggets, 97-90, kaugnay sa second round ng NBA playoffs.

Nakaganti ang Blazers sa unang pagkatalo nila nang gumana ang kanilang matinding depensa.

Nagawang malimitahan ng Portland ang Denver lalo na ang kanilang superstar na si Nikola Jokic sa 16 points mula sa dating 37 point performance sa Game 1.

Anim na mga players ng Trail Blazers sa pangunguna ni CJ McCollum ang nagrehistro ng double figures.

Nagtala ng 20 points si McCollum habang sina Enes Kanter at Rodney Hood ay may tig-15 puntos, at 14 lamang ang naimbag ni Damian Lillard.

Kung maalala sa opening game ay kumamada ng 39 points si Lillard pero sa pagkakataong ito ay nalimitahan siya ng Denver.

Gayunman nagpakitang gilas naman ang kanyang mga teammates para sa opensa.

Aminado si Jokic na sa last quarter ay inalat ang Nuggets maging sa first half kung saan may mga open shots sila na hindi pumasok.

Maging ang kanyang tandem na si Jamal Murray ay bigong maipasok ang 12 sa 18 mga tira.

Ang Game 3 ay isasagawa sa Sabado at mangyayari ito sa teritoryo na ng Portland.