-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Labis na nalungkot at nadismaya ang pamunuan ng Dep-Ed Cauayan City sa pagkadakip ng isang head teacher sa drug buy-bust operation na isinagawa ng Cauayan City Police Station.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Alfredo Gumaru, schools division supt ng DepEd Cauayan City na naka-leave mula Sept 2 hanggang Oct 2 at nag-extend mula Oct 3 hanggang 15 ang head teacher na si Mark Dominic Antonio, 37 anyos, residente ng District 3, Cauayan City at headteacher ng paaralan sa barangay Disimuray.

Ayon kay Dr. Gumaru, may standing order ang pamunuan ng DepEd hinggil sa drug test ngunit ito ay boluntaryo lamang. Hindi rin nila matutukoy ang mga kawani ng ahensiya na sangkot sa pagbebenta ng illegal na droga maliban kung may magsusumbong sa kanila na magiging batayan ng kanilang pagsisiyasat.

Ipapatupad nila ang drug test sa mga makukuhang bagong guro at kawani ng Ded-Ed gayundin na paiigtingin nila ang pag-educate sa kanilang hanay upang hindi na maulit ang pangyayari na pagkadakip ni Antonio dahil kailangan nilang maging modelo o magandang halimbawa ang kanilang hanay.

Binigyang-diin ni Dr. Gumaru na hindi nila palalampasin ang insidente ng pagkasangkot ni anTonio sa droga dahil mismong si pangulong Duterte ay mahigpit ang kampanya laban sa illegal na droga.