-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dead on the spot ang isang opisyal ng Department of Education sa pamamaril sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Abdulkadir Sultan,District Supervisor ng Dep-Ed President Quirino Sultan Kudarat.

Ayon kay Sultan Kudarat Police Provincial Director Colonel Noel Kinazo na palabas ang biktima sa kanyang tanggapan , sakay ng kanyang minamanehong Isuzu highlander para dumalo sa isang school activity ng bigla siyang dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng President Quirino.

Agad binawian ng buhay si Sultan nang magtamo ng apat na tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Sinabi ng pamilya ng biktima na mabait ito,walang kaaway at atraso sa kanilang lugar kaya hiling nila sa mga otoridad ang hustisya sa sinapit nito.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng President Quirino PNP sa pamamaril patay sa biktima.