Pasasalamat sa ibinigay na suporta ng nakararami at paghahayag ng kapayapaan ang tanging hiling ni Departing Japanese Emperor Akihito para sa bansang Japan.
Ito ay kasunod ng kanyang pagbibitiw bilang Emperor ng Japan sa loob ng tatlong dekada.
Ang 85-anyos na emperador ang kauna-unahang pinayagan ng Japanese monarch na magbitiw sa pwesto matapos nitong aminin na hindi na umano nito kakayanin na tuparin ang kanyang tungkulin dahil sa kanyang iniindang sakit.
Sa maikling seremonya na ginanap sa state room ng imperial palace, isang araw bago ihirang ang na bagong emperador ng Japan ang kanyang panganay na anak na si Naruhito, sinabi nito na ginugol niya ang 30 taon niyang pamamahala sa pagtupad ng kanyang tungkulin na may pagmamahal sa bansang Japan.
Dinaluhan ang nasabing seremonya nina Prime Minister Shinzo Abe, Crown Prince Naruhito at Crown Princess Masako pati na rin ng parehong pinuno ng houses of parliament at Supreme Court justices.