LAOAG CITY – Pinuri ni Atty. Domingo “Egon” Cayosa, ang dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippine (IBP) ang Department Circular ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ibaba ang piyansa ang mga indigent person na akusado.
Ayon kay Cayosa, ang hakbang ni Remulla ay maituturing na “move in the right direction” kung saan ito na sana ang ipinatupad noon pa man.
Inihalimbawa ni Cayosa ang proseso na dinadaanan ng mga mahihirap na nahuhuli kung saan natatagalan umano bago lumabas ang desisyon ng korte na babaan ang piyansa ng mga ito kung mapapatunayang walang kakayanang magbayad.
Sinabi pa nito na papayagan rin naman ng korte na ibaba ang halaga ng piyansa ay mapapabilis ang proseso sa pamamagitan ng department circular ng Justice Secretary.
Short cut aniya ito para sa mas mabilis na pag-usad ng mga kaso sa bansa.
Samantala, inaasahan ni Cayosa na maipapatupad ito sa lalong medaling panahon.