-- Advertisements --
image 25

Agad na umanong pinagmamadali ni Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban ang pagpapalabas ng pondo mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para makatulong sa pagpapalakas ng produksiyon ng asin.


Una na ng nadiskubre ni Usec. Panganiban na meron pang P100 million na sa nakatengga lamang sa BFAR at hindi naman nagagamit.
Ang naturang halaga ay malapit na ring mapaso noon pang enero nitong taon ay na-relase ng DBM.


Tinukoy naman ni panganiban ang ilang factory sa bansa na maaaring matulungan sa tulad ng napakalaking factory sa Lingayen, Pangasinan na nagsara na ang salt rock manufacturer sa Occidental Mindoro, ang nasa lugar ng Parañaque, na kakaunti na lamang.
Kabilang pa sa isasaailalim sa rehabilitasyon ay nagmula sa ilang manufacturers kasama na ang nasa Occidental Mindoro at Zamboanga Peninsula.
Nauna nang iniulat sa bombo radyo ng ilang mambabatas na nasa 93% ng pangangailangan na salt requirement sa Pilipinas ay inaangkat sa ibang bansa.