Naghahanda ang Department of Agriculture (DA) na palawakin ang produksyon ng durian at iba pang mga high value crops sa bansa kasunod ng state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan nakakuha siya ng $2 billion fruit export deal sa China.
Ayon kay Deapartment of Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban isa sa mga focal point ng talakayan ay ang durian imports ng China sa buong mundo.
Aniya, tinutukoy ang Pilipinas na isa sa mga pinagkukunan na gustong pakinabangan ng China at naglaan sila ng paunang $260 milyon upang simulan ang proyekto mula sa ating bansa.
Una na rito, upang matugunan at mapanatili ang hinihingi ng merkado ng China para sa sariwang durian, tinalakay ni Undersecretary Panganiban at Assistant Secretary for Operations Arnel De Mesa ang mga kinakailangang hakbang kasama ang mga kinauukulang Regional Executive Director (RED) at mga opisyal ng Bureau of Plant Industry (BPI) noong Enero 9, 2023 .