Tinyak ngayon ng Department of Agriculture (DA) na tuloy-tuloy ang kanilang isinasagawang pag-monitor sa pagtaas ng presyo ng itlog sa merkado.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista, nakikigpag-ugnayan na sila sa mga poultry farm sa buong bansa para malaman ang ceiling price nito mula sa kanila sa trader at sa pamilihan.
Patuloy na rin daw inaalam ng Agriculture department sa mga poultry farms na naapektuhan ng bird flu.
Sa pamamagitan daw nito ay malalaman nila ang nagiging dahilan sa pagtaas ng presyo ng itlog ay ang pagkakaroon ng maraming trader dahil sa pagpasa-pasa nito kaya tumataas ang presyo.
Pinag-aaralan na ng kagawaran kung papaano ito mapuputol upang direkta na mula sa poultry farms patungo sa mga pamilihan para mabawasan ang patong sa presyo nito.