Magsasaggawa ang Department of Budget and Management (DBM) ng pagsusuri sa sahod ng mga state workers sa susunod na taon.
Layon nito ay upang matukoy ang makatwirang halaga ng adjustment na ibibigay ng gobyerno.
Sinabi ni DBM Organization, Position, Classification and Compensation Bureau Director Gerald Janda, ilang grupo ang umapela para sa minimum na buwanang suweldo na P33,000 para sa mga empleyado ng estado sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga consumer goods at serbisyo.
Ang mga minimum wage earners sa gobyerno ay kumikita umano ng P12,517 kada buwan.
Nauna nang sinabi ng Budget department na ang pagtataas ng minimum wage para sa mga empleyado ng gobyerno ay mangangailangan ng pagpasa ng bagong batas.
Nauna nang inihayag ng kagawaran na ipatutupad sa 2023 ang huling tranche ng pagbabago sa iskedyul ng suweldo para sa mga civilian personnel alinsunod sa Republic Act 11466, o Salary Standardization Law