Todo dipensa ngayon ang department of Budget and Management (DBM) sa hindi nila pag-apruba sa panukalang pondo ng Department of Transportation na sana ay magagamit sa konstruksiyon ng 36 na mga bagong pantalan sa bansa para sa susunod na taon.
Una nang sinabi ni DOTR undersecretary for maritime Elmer Sarmiento na hindi inaprubahan ng DBM ang panukala nilang pondo para sa mga itatayo sanang mga pantalan at daungan.
Sa pahayag ng DBM, ipinunto nito na batay sa section 17 b item 8 ng local government code of the Philippines, at alinsunod sa mandanas-garcia case ruling, ang pagtatayo ng local ports ay isinalin na sa tungkulin ng mga local na pamahalaan.
Ilan pa aniya sa mga proyektong isinalin na sa LGUs base sa batas ay ang pagpapagawa o paglalagay ng infrastructure facilities tulad ng traffic signals, road signs at mga katulad na pasilidad.
Kasama rin dito ang transportation facilities, fish ports, infrastructure facilities na naglalayong bigyang serbisyo ang mga pangangailangan ng mga residente ng munisipalidad.
Samantala, sa ilalim ng devolution transition plans ng dotr, dept of agriculture at dpwh, may iba pang mga programa, aktibidad at proyekto ang inilipat na ang pangangasiwa sa mga local na pamahalaan.
Kabilang dito ang development ng locally funded social and tourism ports, operasyon ng municipal fishports sa lunsod o mga proyekto na sumasaklaw sa dalawa o mas marami pang mga bnarangay, pagtatayo o pagpapahusay ng access roads patungo sa mga Paliparan at pantalan.