Nagpasalamat ang Department of Education (DepEd) sa sambayanang Pilipino sa tiwala at suporta matapos itong lumabas bilang top-performing government agency sa survey ng OCTA Research Inc.
Sa inilabas na pahayag ng Department of Education, ang muling pagbubukas ng mga paaralan at ang pagpapatuloy ng mga im-person class na naglalayon sa pagtiyak na epektibong matutugunan ang napakalaking pagkalugi sa pag-aaral na dala ng pandemya ng Covid-19 kung saan mas magiging mas mahirap kung wala angtulong, feedback, payo, at tiwala mula sa publiko sa kanilang kagawaran.
Napag-alaman na nakakuha ang DepEd ng 87 percent satisfaction, batay sa survey na isinagawa sa buong bansa noong Oktubre 23 hanggang 27, mula sa mga adult respondents para sa performance nito sa nakalipas na tatlong buwan.
Umaasa ang DepEd na patuloy na makikipagtulungan sa lahat sa “pagtaas ng kalidad ng batayang edukasyon, pagprotekta sa mga kabataan mula sa lahat ng uri ng pang-aabuso, at pagtataguyod ng mga karapatan at kapakanan ng mga mag-aaral at lahat ng tauhan ng DepEd sa buong bansa.
Kung maalala, ang DepED, ang Department of Health (79 percent) at ang Department of Social Welfare and Development (76 percent) ang nangungunang tatlong performing agencies batay sa survey ng OCTA.