Isinagawa ng Department of Education (DepEd) ang 2022 National Planning Conference (NPC) sa unang pagkakataon mula noong COVID-19 pandemic.
Ito ay para ihanda ang buong departamento sa pagpapatupad ng learning recovery plan.
Sa temang, “Learning Recovery, Resiliency, and Unity,” ang 2022 National Planning Conference (NPC) ay naglalayong ipaalam sa mga field office ang pagpapatupad ng Basic Education Development Plan 2030 (BEDP 2030) upang makamit ang mga pangako at layunin nito.
Nakatuon ang nasabing conference sa mga makabagong tugon at mga hakbang mula sa lahat ng mga strand at yunit ng DepEd upang matugunan ang mga pangangailangang pang-edukasyon sa sektor ng Basic Education.
Ang partisipasyon ng lahat ng miyembro ng executive committee ay nagbigay din ng mga update sa patakaran at pagpapatakbo bilang paghahanda para sa pagpapatupad ng mga plano para sa Fiscal Year 2023.
Sa mensahe ni Vice President and Education Chief Sara Z. Duterte, hinikayat niya ang bawat isa na suportahan ang layunin ng kasalukuyang administrasyon na mapabuti ang kalidad ng edukasyon ng bansa sa pamamagitan ng evidence in planning, research programming, at policy development.