-- Advertisements --
image 62

Inilahad ng Department of Energy ang ilan sa mga dapat tandaan upang masiguro na ligtas ang ginagamit na Liquified Petroleim Gas Tank ng mga consumer.

Sa naganap na LPG Philippine Summit 2023, ipinakita ang ilan sa mga hindi na maaaring gamitin na cylinder.

Ayon kay Department of Energy Director Rino Abad, ang unang dapat tandaan sa isang cylinder ay ang Product Safety Mark.

Samantala, layunin ng naganap na LPG Philippine Summit 2023 na masiguro na lahat ng cylinder na nasa merkado ay ligtas.

Matatandaan na sa ilalim ng LPG Industry Regulation Act o Republic Act 11592, hindi na maaaring gamitin ang kinakalawang at walang product safety mark kahit na maayos pa ang kondisyon ng nasabing cylinder.