-- Advertisements --
Pinalakas pa ng Department of Energy ang kampanya at pagbabantay laban sa mga nagbebenta ng gasolina na nakalagay sa bote.
Ito’y kasunod ng naobserbahan na talamak na pagbebenta ng tinging gasolina kahit sa bahagi ng rehiyon ng Mindanao.
Sinabi ng DOE Field Office Mindanao na hindi tiyak ang kalidad ng gasolina sa ganitong tindahan.
Bukod paglabag sa DOE retails rules, mapanganib din sa buhay at ari-arian ang pagbenta ng nakaboteng gasolina na kalimitang nakikita sa bote ng softdrinks, galon at iba pang kahalintulad na lalagyan.