-- Advertisements --
DFA1

Patuloy ang pagbabantay ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa sitwasyon ng mga Pilipino sa West Java, Indonesia.

Ito ay kasunod ng magnitude 5.6 na lindol kung nasa higit sa 60 na ang namatay at daan-daan ang sugatan.

Ayon sa DFA, wala pa silang natatanggap na impormasyon kung may nasaktan na Pilipino sa lindol.

Patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng DFA sa embahada ng Pilipinas sa Indonesia.

Pinapayuhan ang mga kababayan na mag-ingat sa epekto ng aftershock na posibleng magresulta sa pagguho ng gusali.

Nabatid na marami sa mga namatay ay dahil sa pagguho ng gusali at bahay habang ang ilan sa mga sugatan ay namatay din matapos hindi maoperahan dahil sa power interruption at pagkasira ng hospital.