Ikinatuwa ng Department of Health (DOH) ang pagkakatalaga kay Emmanuel Ledesma Jr. bilang acting president at chief executive officer ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na si Ledesma ay may mga kwalipikasyon para sa posisyon dahil sa kanyang karanasan sa management at governance.
Aniya, ang PhilHealth ay kagaya ng ibang ahensiya na kailangang may technical know-how lalong-lalo na sa financing actuary, insurance systems ngunit ang pinakamahalaga ay managerial.
Siya umano ang mangangasiwa at gagabay sa buong organisasyon sa paghahatid ng mga layunin ng kaniyang mandato.
Dagdag pa ni Vergeire na magtatakda din sila ng pagpupulong sa Lunes kasama si Ledesma at ang iba pang opisyal ng PhilHealth.
Samantala, iniulat naman ng Palasyo na nanumpa na si Ledesma noong Huwebes, Nobyembre 24.
Siya rin ay miyembro ng expert panel at board of directors.
Dating presidente at CEO ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation.