Isinusulong ng Department of Health ang panukalang batas para ipagpatuloy ng gobyerno ang iba’t ibang protocols sa ilalim ng State of Calamity sakali man na ideklara ang pagtanggal na ng umiiral na public health emergency sa gitna ng covid-19 pandemic.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, nakapagsumite na ang ahensiya ng Public Health Emergency for Emerging and Re-emerging Disease Bill sa House of Representatives at nilagdaan na aniya ito bilang priority bill ng kasalukuyang administrasyon.
Paliwanag ng DOH official na sa ilalim ng naturang panukala, ang gobyerno ay maaari pa ring bumili ng covid-19 vaccines , magpatupad ng pagbabakuna at magbigay ng benepisyo para sa mga health workers kahit wala ng deklarasyon ng state of calamity sa gitna ng public health emergency.
Sa oras na maisabatas ito, wala ng dapat na ikabahala at ito na ang magiging basehan ng iba’t ibang aksiyon na gagawin pagdating sa public health emergency.
Magugunita na unang idineklara ang state of clamity sa bansa sa ilalim ng dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2020 kasunod ng pagsibol ng covid-19 virus.
Nito lamang Setyembre naman ay pinalawig pa ito ng Pangulong Marcos Jr hanggang sa katapusan ng 2022.
-- Advertisements --