-- Advertisements --
Nagbabala ang Department of Health o DOH sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon sa publiko kaugnay sa gamot sa heart disease.
Nilinaw ng DOH na wala silang inilalabas na statement o scenario kaugnay sa nasabing usapin at pinayuhan nito ang mga mamamayan na sumangguni lamang sa mga lehitimo at beripikadong platforms ng DOH.
Dagdag pa nito na ginagamit din umano sa nasabing post ang pangalan ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire upang magpakalat ng maling impormasyon.
Muli namang paalala ng DOH sa publiko na maaaring maiwasan ang naturang sakit sa pagkakaroon ng healthy habits tulad ng ehersisyo at proper diet.