-- Advertisements --
doh 2

Naghahanap pa ng karagdagang pondo ang Department of Health para sa healthcare workers benefits ng bansa.

Ayon kay Department of Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, magkakaroon sila ng pagpupulong kasama ang Department of Budget and Management upang ma identify ang ilan pang source of fund para mapunan ang kulang na budget sa healthcare workers benefits.

Ilan raw sa kinakaharap na problema ng ahensya ay ang Memorandum of Agreement sa ibang pasilidad na hindi pa naisasapinal, dagdag pa ni Officer in Charge Vergeire, ang ibang private at local facilities ay hindi kumpleto ang liquidation sa mga pondo na kanilang inilaan kaya mayroong delay sa disbursement na iniiwasan din raw nila.

Samantala, patuloy naman ang allowance para sa 805,000 local government healthcare workers, private sector at national government healthcare workers.

Matatandaan na mayroon nang naunang budget na inilaan sa nasabing ahensya, ito ay nasa 72 billion pesos.

Ang budget na ito raw ay hindi pa sapat kaya kinakailangang pa ng karagdagang pondo upang maipamahagi at mapunan ang arrears noong 2021 at 2022 sa mga healthcare workers ng bansa.