Naitala sa ika-limang sunod na araw ng Department of Health (DoH) ang mahigit 100 kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa ahensiya, kabuuang 144 ang bagong naitalang kaso ng nakamamatay na virus habang ang aktibong kaso naman ay nasa 8,943.
Dahil sa 144 na bagong kaso ng nakamamatay na virus ay umakyat na sa 4,077,002 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Pero ang mga naka-recover naman ay papalo na sa 4,001,906.
Ang mga namatay naman dahil sa virus ay nasa 66,153.
Sa nakalipas na dalawang linggo, naitala ang pinakamaraming kaso ng covid sa National Capital Region (NCR) na mayroong 433 cases.
Sinundan ito ng Davao Region na mayroong 229, Calabarzon na may 208, Soccsksargen na may 125 cases at Western Visayas na mayroong 93.
Kapag pag-uusapan naman ang mga lungsod at mga probinsiya, ang mataas na kaso ng COVID-19 ay naitala sa Davao Del Sur na mayroong 186.
Sumunod dito ang Quezon City na may 91, Manila City na may 88, South Cotabato na may 82 at Rizal na may 73.