-- Advertisements --
image 81


Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 128 bagong kaso ng COVID-19 , habang ang aktibong tally ay bumaba sa 9,520.

Ito ang ikalimang sunod na araw na wala pang 200-kaso ng COVID-19 ang naitala.

Ang mga bagong impeksyon ay nagdala ng nationwide caseload sa 4,073,739, habang ang mga aktibong kaso ay bumaba mula sa 9,626 noong Biyernes.

Sa nakalipas na dalawang linggo, naitala ng National Capital Region ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso na may 658. Sinundan ito ng Calabarzon na may 303, Davao Region na may 195, Western Visayas na may 179, at Central Luzon na may 151.

Samantala may karagdagang 124 na indibidwal ang gumaling mula sa sakit, na nagtulak sa recovery tally sa 3,998,380.

Noong Biyernes, ang national bed occupancy rate ay 18.4%, na may 4,753 occupied at 21,049 vacant bed.

At may kabuuang 9,423 indibidwal ang nasuri at 319 na testing laboratories ang nagsumite na rin ng kanilang data.