-- Advertisements --
firecracker

Limang araw bago sumapit ang Bagong Taon, nasa kabuuang 20 kaso ng fireworks-related injuries ang naitala ng Department of Health (DOH).

Sa pinakahuling ulat mula sa Epidemiology Bureau ng DOH, nagpakita na ang 15 insidente ay dulot ng fireworks injuries.

Inihayag ng kagawaran na kapareha ang bilang ng mga kaso na naitala noong 2021 na 20 cases kung saan 29 porsyentong mas mababa kaysa limang taon na average na 28 cases sa parehong yugto ng panahon.

Ang Central Visayas at Soccsksargen ang may pinakamataas na bilang ng mga kaso na may tig-tatlong insidente.

May tig-dalawang kaso ang naitala sa Ilocos region, Bicol, Western Visayas, Davao region at National Capital Region.

Samantala, tig-isang kaso ang naitala sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Cordillera Administrative Region.

Labinsiyam sa mga naging biktima ng paputok ay mga lalaki edad mula isa hanggang 64 taong gulang.

Wala pang naitalang namatay dahil sa paputok.