-- Advertisements --
image 289

Nakapagtala ang Department of Health ng 399 na bagong kaso ng COVID-19 na tumaas pa sa kabuuang bilang ng kaso sa bansa sa 4,071,963.

Ayon sa ahensya ang mga rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 1,297 na sinundan ng Calabarzon na may 628, at Central Luzon na may 301.

Gayunpaman, dumami rin ang mga pasyenteng naka-rekober na naitala sa loob ng apat na araw at may kabuuang 3,999,683.

Samantala naman ang bilang na ng mga nasawi ay tumaas ng 14 hanggang 65, 694 hanggang sa kasalukuyan.

Dagdag ng ahensya na ang bed occupancy sa bansa ay 18.8% kung saan 5,079 na kama ang na- occupied at 21,909 naman ang bakante pa rin hanggang sa ngayon.