Nakapagtala ang Department of Health noong Linggo ng 973 na bagong kaso ng COVID-19 dahilan upang tumaas ang kabuuang bilang ng kaso sa buong bansa sa 4,056,239.
Ito ang pangalawang pagkakataon sa loob ng limang araw na ang mga bagong kaso ay mas mababa sa 1000.
Ang ahensya ay nakapagtala ng mas kaunti sa 1000 na mga bagong kaso noong Disyembre 13 na may 791 new cases lamang.
Sa pinakahuling datos ng kagawaran ng kalusugan ay bumaba ang aktibong kaso sa bansa sa 17,900 mula sa 18,262 na naitala noong Sabado at ang huling pagkakataon na bumaba ito ay noong Disyembre 8, na may kabuuang 17,994 lamang.
Samantala, umakyat na sa halos apat na milyon ang bilang ng mga nakarekober at ang bilang naman ng nasabi ay nadagdagan ng 30 dahilan upang umabot na sa ang pangkalahatang nasawi.
Patuloy pa rin ang pagpapaalala ng kagawaran sa lahat ng Publiko na panatilihin sumunod sa mga minimum health standards para maiwasang makahawa o kaya mahawaan ng nasabing sakit.