Nakikipag ugnayan ang Department of Health sa Department of Education upang mas mapalago ang mental health services ng mga paaralan.
Ayon kay Department of Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, nagkaroon na sila ng final meeting patungkol sa package na e-ooffer ng PhilHealth upang mas maging accessible ito sa mga tao lalong lalo na sa mga mag-aaral.
Matatandaan na maraming mga mambabatas ang na alarma dahil sa mga ulat patungkol sa mga estudyanteng nagpapakamatay.
Nanawagan ang isang senador sa Department of Health na magkaroon ng malawakang pagsusuri sa kasalukuyang kalagayan ng mental health ng mga Pilipino.
Nitong nakaraan lamang ay naibalita ang pagkakaroon ng banta sa seguridad ng mga mag-aaral matapos ang insidente nang 12-anyos na estudyanteng nagdala ng baril sa paaralan at aksidenteng nabaril ang kanyang sarili, kaugnay pa nito ay ang minor de edad ring nasaksak ang kapwa nya estudyante sa Culiat High School ng Quezon City, sinasabing ito ay may kaugnayan sa mental health status ng mga estudyante.
Una na rito, mayroong 404 na mag aaral ang namatay dahil sa pagpapatiwakal noong academic year 2021-2022 habang nasa 2,147 naman ang nagtangkang magpakamatay.