-- Advertisements --
vergeire

Natukoy ng Department of Health ang 89 na close contact ng walong Pinoy na manlalakbay mula sa China na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang mga pasahero ay binabantayan na ng mga health care workers at iba’t ibang local government units.

Aniya, sa 89 na close contacts, isa lamang umano ang nagpakita ng mga hinihinalang sintomas ng COVID-19.

Ang walong Pinoy na manlalakbay mula sa China, na pawang hindi pa nabakunahan, ay dumating sa Maynila mula Disyembre 27, 2022 hanggang Enero 2, 2023.

Nagpositibo sila sa COVID-19 sa pamamagitan ng antigen screening at ang mga resulta ay nakumpirma na positibo sa pamamagitan ng RT-PCR testing.

Kaugnay niyan, mapapalabas sila mula sa quarantine pagkatapos ng pitong araw kung sila ay asymptomatic na.

Una na rito, ang China ay nakakaranas ng bagong paglobo ng mga impeksyon sa coronavirus matapos nitong tapusisn ang zero-COVID-19 policy nito noong Disyembre.

Top