Sisimulan na ng Department of Health ang kanilang pag-iimbestiga sa kaso ng mga estudyante na nahilo matapos magsagawa ng surprise drill noong huwebes ng nakaraang linggo.
Umabot sa mahigit isang daan na estudyante ang dinala sa ospital mula sa paaralan ng Cabuyao City, Laguna dahil sa naturang insidente.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOH-Calabarzon na ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ay nakikipag-ugnayan na sa kanilang mga katuwang na lungsod at probinsiya sa isinasagawang imbestigasyon ng kaso.
Tinitipon rin ang mga karagdagang detalye tungkol sa mga naospital na mga mag-aaral upang maging malinaw ang isinasagawang imbestigasyon.
Kung maaalala ay kinumpirma ng City Disaster Risk Reduction and Management Office na naapektuhan ng fire drill ang 104 na estudyante kung saan ang ilan ay nawalan ng malay dahil sa gutom at dehydration
Samantala, sinabi naman ng School Division Office sa Cabuyao na 83 estudyante ang dinala at ginamot sa Cabuyao City Hospital, at sa Ospital ng Cabuyao.