Hinikayat ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang calamity-hit na mga lokal na pamahalaa na gamitin i-access ang P5.58 billion financial assistance fund bago ang katapusan ng Setyembre.
Ayon kay Interior Secretary Benjamin Abalos Jr., maaaring i-take advantage ng mga LGus ang available aid para maimplementa ang kaukulang recovery measures sa kanilang hurisdiksyon na nagrerekober pa mula sa pinsala ng nagdaang severe tropical storm Florita at magnitude 7.0 na lindol na tumama sa Northern Luzon noong Hulyo.
Ito aniya ang paraan ng gobyerno para matiyak ang agarang assistance na maipaabot sa mga apektadong lugar.
Ayon kay Abalos, ang mga LGUs na nais na makakuha ng Local Government Support Fund-Finacial Assistance ay mangyari lamang na maghain ng kanilang Special Budget Requests na nilagdaan ng local chief executive at may attached supporting documents hanggang Setyembre 30.
Ang anumang request na isinumite ng lagpas sa naturang deadline ay ibabalik sa nag-request na LGU nang walang aksyon dahil ang lahat ng requests ay ii-endorso na ng DILG sa Department of Budget and Management pagkatapos ng Setyembre 30.
Ang halagang ibibigay sa mga kwalipikadong LGU qsay base sa halaga ng pinsala na nakatala sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council and the Department of Social Welfare and Development’s Disaster Response Operations Monitoring and Information Center.
Umapela din sa Abalos sa mga alkalde at gobernador na magpokus sa paglalaan at paggamit ng naturang financial assistance para sa rehabilitation, reconstruction at rebuilding ng mga programa tungo sa sustainable recovery ng kani-kanilang lokalidad.