Pinangungunahan ni Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang pagbigay ng financial at livelihood assistance sa 199 mga dating rebeldeng New People’s Army at mga miyembro ng Milisya ng Bayan sa buong Caraga Caraga na isinagawa sa Prosperidad, Agusan del Sur.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni PMajor Jennifer Ometer, tagapagsalita ng Police Regional Office-13, na ang nasabing bilang ay base na rin sa na-aprubahang aplikayon ng mga ito sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP matapos sumuko.
Malaki naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa assistance ng gobyerno lalo na’t mula sa kanilang pagsuko at hanggang ngayon ay hindi sila pinababayaan lalo na sa kanilang mga kinakailangang kung saan pinatira pa sila sa mga halfway houses kasama ang kanilang pamilya.