-- Advertisements --
image 154

Malamig ang reaksiyon ni Department of Justice secretary Boying Remulla sa panukala iapela sa sa korte sa maynila ang pagbasura sa petiSyon na ideklara ang Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA) bilang terrorist groups.
Ayon sa kalihim ang pinagbasehan umano ng Manila Regional Trial Court Branch 19 sa desisyon ay ang nabaliwala ng batas o repealed law.
kung aapela raw sila ay hindi na rin lalabas na maganda.

Una rito, kinuwestiyon ni Secretary Remulla ang pagbasura ng korte sa proscription case laban sa rebeldeng grupo.

Giniit pa ni Remulla na maaga pa para magbigay ito ng hatol sa pagbasura ng Manila RTC sa argumento na ang rebellion ay isang uri ng terorismo.

Sa inahing proscrition case ng DOJ, layon nito namakakuha ng clearance para magsagawa ng wiretapping, freezing at mabubusi ang bank accounts o anumang assets, records maging ang properties ng CPP-NPA leaders at mga miyembro nito.

Sa naging 135 pahinang desisyon ne korte, ipinaliwanag ng korte na hindi aniya naorganisa ang CPP-NPA para sa terorismo.

Ito ay hiwalay pa mula sa kaso na inihain sa court of appeals na humawak sa kaparehong kaso salig sa ilalim ng bagong batas na Anti-Terrorism Act of 2020.