-- Advertisements --
image 235

Mariing pinabulaanan ng Justice Department ang balitang binawi umano ng labing isang suspect na sangkot sa pagpatay kay Governor Roel Degamo ang kanilang mga naunang salaysay sa mga kinauukulan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Justice Assistant Secretary at spokesperson Atty. Mico Clavano na walang nangyaring recantation kahit pa kumuha ang mga suspect ng kanilang private lawyers.

Kung sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang ilan sa mga suspect ay nagkaroon na ng kanilang mga abogado na dati ay wala.

Ilan aniya sa mga suspect na sangkot ay hindi na rin nakikipag cooperate at ito nga ang isa sa dahilan kung bakit nagkaroon ng delay sa paghahain ng reklamo kay suspended Representative Arnolfo Teves Jr.

Binigyang diin naman ng kalihim na hindi imposibleng baguhin ng mga suspect ang kanilang mga naunang pahayag ngunit sa kabila ng posibilidad na ito ay nananatiling kampante ang kanilang ahensya.

Giit ni Remulla, may mga kaharap naman ng mga abogado ang mga suspect ng una itong nagbigay ng kani-kanilang statements.

Siniguro naman ng Justice Department na protektado ang bawat karapatan ng mga sangkot sa krimen.