-- Advertisements --
image 161

Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mayroong naging sabwatan sa pagpaslang sa gobernador ng Negros Oriental na si Roel Degamo.

Aniy, posibleng nasa tatlo o apat ang sangkot sa planong patayin ang gobernador at kasama na rito ang mastermind sa krimen.

Malaki raw ang posibilidad na nagkaisa ang mga itong nagplano at kumuha na lamang ng ibang tao para sumapi rito.

Kaya naman ito raw ang kanilang pinag-aaralan sa ngayon.

Posibleng hindi rin daw malaking tao ang sangkot sa naturang krimen.

Una rito, itinuto ng mga suspek si Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr. na siynag utak sa kanyang karibal sa pulitika.

Pero sa panig ng kalihim ng Justice department, hindi pa raw niya alam ang detalye ng naturang isyu kayat kailangan pang mabasa ang kanilang mga statement na siyang magiging basehan para sa pagsasampa nila ng kaso.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo Philippines kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves, sinabi nitong dapat daw ay hintayin na lamang ang kalalabasan ng imbestigasyon at huwag pangunahan ang mga otoridad.