Mas lalo pang pinalawak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang work from home scheme dito sa bansa.
Kasabay nito, nanawagan naman ang DOLE sa mga employer at manggagawa na magkasundo sa iisang work from home set up, upang makatulong na mapanatili ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Nilalaman ng Department Order 237 na pirmado ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang revised implementing rules at regulations ng telecommuting law, o ang Republic Act 11165.
Binigyang diin ng bagong alituntunin ang “terms and conditions ng telecommuting ay hindi bababa sa minimum labor standards.
Hindi rin daw dapat na mawala ang terms at conditions ng employment sa ano mang applicable company policy o practice, individual contract o collective bargaining agreement.
Nakasaad dito na ang ‘regular workplace’ ay nangangahulugang ang pangunahing lugar ng negosyo o anumang sangay na opisina o pisikal na lugar na itinatag o ibinigay ng employer kung saan ang mga empleyado ay regular na nag-uulat o gumaganap ng trabaho.