Siniguro ng Department of Labor and Employment na mayroon silang mga sapat at naka handang programa para sa mga kabataang inaabuso at pinagsasamantalahan, ito ay kaugnay ng pakikiisa ng ahensya sa naganap na signing ng Implementing Rules and Regulation ng Republic Act 11930.
Sa katunayan ang ilang programa ay hindi lamang para sa kabataan kundi pati sa mga magulang ng mga biktima.
Ito ay daan upang magkaroon ng pagkakataon ang mga magulang na masuportahan ang kanilang mga anak at maibigay ang pangangailangan ng mga bata.
Ayon pa kay Department of Labor and Employment Secretary Laguesma, nais ng kanilang ahensya na maipagpatuloy ng mg kabataan ang kanilang pag aaral imbis na kumapit sa pagtatrabaho sa murang edad.
Kasama ang ilan pang mga ahensya ng gobyerno, hinihikayat nila ang mga magulang na huwag mag atubiling lumapit sa kanilang kagawaran upang manghingi ng tulong.
Ito naman raw ay para sa ikagaganda ng kinabukasan ng kanilang mga anak, at maging ng kanilang pamumuhay.
Yan ang bahagi ng pahayag ni Department of Labor and Employment Secretary Bienvenido Laguesma.
Kung maaalala nilagdaan na ng Department of Justice at Department of Social Welfare and Development ang Implement Rules and Regulation ng Republic Act 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act.
Ito ay upang mas paigtingin pa ang proteksyon ng mga kabataan na expose lalong lalo sa mga online platforms.