Tiniyak ni Department of Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople ang kaukulang tulong mula sa gobyerno sa pamilya ng pinatay na Filipina domestic helper sa Kuwait.
Ginawa ni Ople ang pangako sa kaniyang pagbisita sa burol ni Jullebee Ranara.
Nauna nang nagbigay ng katiyakan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na lahat ng kinakailangang tulong ay ipapaabot sa pamilya ni Ranara.
Sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio na ang ahensya ay nagtatrabaho ngayon para sa maagang pagpapalabas ng insurance at iba pang financial claims dahil sa pamilya ni Jullebee.
Magugunitang, ang nasunog na katawan ni Ranara ay natagpuan sa isang disyerto.
Ang 17-anyos na anak ng kanyang amo ang natukoy na pangunahing suspek sa pamamaslang.