-- Advertisements --
image 68

Siniguro ng Department of Migrant Workers na handa silang tumulong sa mg Overseas Filipino Workers na apektado ng kaguluhan sa Sudan na muling magkaroon ng trabaho mapa sa Pilipinas man o sa ibang bansa.

Nakikipag ugnayan na raw ang Department of Migrant Workers sa mga overseas partners tulad ng Ministry of Human Resources and Social Development in the Kingdom of Saudi Arabia pati na rin sa ilang mga recruitment agencies sa bansa na gawing prioridad ang mga repatriated Filipinos mula sa Sudan.

Mayroon naman oportunidad ang mga Overseas Filipino Workers na mas piniling manatili sa bansa tulad ng pagtatrabaho sa isang kompanya o di kaya ay makapagsimula ng maliit na negosyo.

Yung mga nais mag negosyo raw ay bibigyan ng sapat na orientation at briefing sa franchising ng isang negosyo tulad ng food carts at stalls.

Ayon sa direktiba ni Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople, ang Overseas Workers Welfare Administration sa pakikipag ugnayan sa Department of Migrant Workers National Reintegration Center ay nakabuo na ng partnership sa ilang mga pribadong kompanya na willing e accomodate ang mga Overseas Filipino workers mula sa Sudan.

Samantala, mayroon umanong mga Overseas Filipino Workers na nagsasabing kung maaari raw ay manatili muna sila doon at mayroon naman silang kamag anak, ngunit ayon sa Department of Migrant Workers, mas mahalaga umano ang kanilang kaligtasan.

Sinisiguro ng ahensya na ginagawa umano nila ang lahat ng maaaring gawin upang matulongan ang mga Pilipinong naiipit sa kaguluhan doon sa Sudan.

Sa ngayon mayroon nang 155 Filipinos ang ang repatriated at mayroon pang 45 individuals ang inaasahang darating.

Sinabi pa ni Undersecretary Cacdac na mayroon pang mga Pilipino na nagkompirmang nais nilang bumalik ng Pilipinas.

Hinikayat pa ng ahensya ang mga Pilipinong hanggang ngayon ay nasa Sudan na makipag ugnayan sa pamunuan at e avail ang repatriation program upang masiguro ang kanilang kaligtasan.