-- Advertisements --

Nakipag-partner ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Japanese engineers na may high-level expertise sa tunnel engineering at road infrastructure development para matugunan ang matagal ng problema sa traffic sa Pilipinas.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan nakasentro ang kooperasyon ng PH at Japan sa operation and maintenance (O&M) ng road tunnels at related facilities sa nagpapatuloy na Davao City Bypass Construction Project at proposed Dalton Pass East Alternative Road Project.

Kasama ng DPWH chief si Senior Undersecretary Emil K. Sadain sa paglagda sa Memorandum of Cooperation (MOC) kasama ang mga kinatawan mula sa Japan’s Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism (MLIT).

Pinangunahan naman ni MLIT Vice Minister for Engineering Affairs Mikio Yoshioka ang delegasyon ng mga Japanese engineers at nangakong palalakasin pa ang kooperasyon, business relations at capacity development ng Pilipinas at Japanese government.