-- Advertisements --
image 150

Pinasalamatan ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum ang malaking papel ng mga lokal na pamahalaan sa matagumpay na rollout ng Project na Meteorological and Geological Hazard Advisories (MAGHANDA) Warning and Notification for Decisive Action.

Layon ng naturang proyekto na pinangunahan ng Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology na paigtingin pa ang pagpapakalat ng impormasyon sa tamang paghahanda sa tuwing sumasapit ang sakuna.

Partikular na rito ang mga nasa lokal na pamahalaan na siyang nangungunang responder.

Sa limang buwang pag-arangkada ng proyekto, aabot sa 7,000 participants na binubuo ng local chief executives, disaster risk reduction and management officers, information officers, first responders, at media personnel sa ibat ibang rehiyon ang nakilahok sa 20 online training sessions.

Tampok rito ang MAGHANDA Learning Management System (LMS) na nakasentro sa mga makabago at higit na pinabuting impormasyon ukol sa mga panganib na dulot ng lindol, bagyo, storm surges, tsunamis, at volcanic eruptions.

Naniniwala si Secretary Solidum na napapanahon ang Project MAGHANDA para matulungan ang mga LGU na makapaglatag ng naaangkop na disaster mitigation plan.

Tiniyak naman ng kalihim na kahit pa tapos na ang programa ay mananatili pa rin ang access ng publiko sa MAGHANDA Learning Management System (LMS).