Ikinalungkot ng Department of Social Welfare and Development o (DSWD) ang insidente ng pamamaril na nangyari sa Barangay San Isidro, Pamplona, Negros Oriental at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Governor Roel Degamo na nasawi dahil sa hindi magandang pangyayari.
Tiniyak naman ng DSWD sa publiko na walang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o kawani ng DSWD-Field Office VII ang nasaktan.
Nagsasagawa ang Kagawaran ng pagpaparehistro ng mga potensyal na benepisyaryo ng 4Ps sa Barangay Poblacion nang mangyari ang insidente ng pamamaril na kung saan malayo ang venue ng registration sa lugar ng insidente.
Agad na itinigil ng DSWD-Field Office 7 ang pagpaparehistro para matiyak ang kaligtasan ng publiko at magpapatuloy ito kapag na-clear na ng Philippine National Police (PNP).
Bukod sa 4Ps registration, nagkaroon din ng patuloy na payout activity para sa mga kliyenteng humihingi ng tulong medikal mula sa pamahalaan.
Sa ngayon ang DSWD-7 ay naghihintay sa opisyal na listahan para duon sa mga naging biktima para mabigyan ng kaukulang tulong.
Ang Field Office naman ay naghihintay para sa mga pangalan ng mga biktima.
Makikipag-ugnayan rin umano ito sa iba pang partner-national government agencies para matukoy ang nararapat na tulong na maaaring ipaabot sa mga pamilya ng mga biktima.