Pinirmahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ng Field Office (FO) VI, ang Deed of Usufruct kasama ang local government unit (LGU) ng Pototan doon sa Iloilo Province na naglalayong makapagbigay ng pansamantalang land property right para sa ipatatayong regional warehouse sa nasabing munisipyo.
Epektibo ang nasabing kasunduan sa loob ng 25 taon.
Ang ipatatayong warehouse ang magsisilbing imbakan ng mga pagkain at non-food items na ipamamahagi tuwing mayroong kalamidad.
Ito nga ay kaugnay parin ng isinusulong na programa ng ahensya patungkol sa mabilis na pagresponde sa panahon ng sakuna.
Sa ngayon ay patuloy parin ang pakikipag ugnayan ng DSWD sa iba pang mga munisipyo para sa pagpapatayo ng ilan pang mga warehouse.