-- Advertisements --
image 382

Nagpaabot ang tulong ang Department of Social Welfare and Development sa pamilya ng mga biktima ng pamamaril doon sa Barangay, San Isidro, Pamplona, Negros Oriental noong March 4, 2023.

Naipamahagi ang mahigit P500,000 cash at food assistance sa walong pamilya pati na rin sa 21 na survivor sa nasabing pamamaril.

Bukod pa sa cash at food assistance, ay nagsagawa rin ng intake interviews at psychological first aid.

Ito umano ay nakatulong sa mga biktima upang mailabas ang kanilang mga nararamdaman dulot ng trahedya.

Sa ngayon ay patuloy parin ang pakikipag unayan ng ahensya sa mga apektadong pamilya.