Namahagi ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development sa mga taong apektado ng magnitude 6.1 na lindol sa Davao de Oro noong Pebrero 1 taong kasalukuyan.
Ito ay sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations ng nasabing ahensya.
Layunin ng financial assistance na ito na masuportahan at muling makapagtayo ng kanilang negosyo ang mga maliliit na negosyante sa nasabing lugar.
Nilinaw naman ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na hindi ito ang una at huling assistance na matatanggap ng Davao de Oro.
Sa susunod na linggo raw ay magkakaroon naman ng livelihood assistance na ibibigay.
Matatandaan na unang linggo ng Pebrero nabanggit ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na magbibigay sila ng livelihood assistance sa mga biktima ng lindol sa Davao de Oro dahil ang mga maliliit ng negosyo umano ang labis na apektado nito, at sa ikatlong linggo ng buwan ay naipamahagi na ang nasabing assistance.