-- Advertisements --
Nakaalerto na rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Region 1 sa inaasahang pananalasa ng bagyong Maymay sa rehiyon.
Nakahanda na ang mga tulong na ipamamahagi nito sa mga mabibiktima ng bagyo.
Kabilang rito ang 47,612 na Food at Non-Food Items na naka-pre-position na sa 14 na DSWD Field Office 1 Regional at Satellite Warehouses sa Region 1.
Nakahanda na rin ang nasa 8-milyong standby funds na huhugutin sa quick response fund ng kagawaran.
Nauna nang nakipagpulong ang DSWD FO1 sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 1 (RDRRMC 1) Kung saan inirekomenda ang pagsasailalim ng rehiyon sa heightened alert dahil sa posibleng maging epekto ng nasabing bagyo.