-- Advertisements --
CEBU – Inaasahang bibisita si Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo sa lalawigan ng Bohol ngayong araw, Setyembre 15 para magsagawa ng mga aktibidad kaugnay ng nasabing ahensya.
Malugod na tatanggapin ng pamahalaang panlalawigan si Tulfo kasama si Gov Aris Aumentado at mga opisyal ng ahensya sa rehiyon at lalawigan.
Kabilang sa lakad ng kalihim ang ‘turnover’ ng school building sa barangay Estaca at isolation facility sa Poblacion, Pilar, Bohol.
Pagkatapos ng Pilar, bibisitahin ni Tulfo ang nakatakdang pamamahagi ng mga benepisyo ng Livelihood Assistance Grant sa mga benepisyaryo ng Carmen.