-- Advertisements --
DILG AND PNP

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na inatasan nito ang mga regional at provincial office nito na imbestigahan ang umano’y harassment ng mga pulis sa isang magsasaka ng sibuyas sa Pangasinan.

Sa isang pahayag, sinabi ng departamento na inutusan ni Secretary Benhur Abalos ang Department of the Interior and Local Government Region 1 at Pangasinan na magsumite ng ulat tungkol sa insidente na kinasasangkutan ng mga pulis sa Bayambang.

Aniya, mataas umano ang respeto ng ahensya sa mga magsasaka dahil mahalaga ang kanilang papel sa food security at tamang nutrisyon sa ating bansa.

Pinaalalahanan ni Abalos ang mga awtoridad na sundin ang panuntunan ng batas at mga protocol sa pagsasagawa ng mga imbestigasyon upang maiwasan ang takot sa mga kinauukulang indibidwal.

Kung matatandaan, sinabi ni Merly Gallardo, isang magsasaka ng sibuyas na humarap sa kamakailang pagdinig sa Senado, na binisita ng pulisya ang kanyang bahay nang maraming beses, humiling sa kanya na pumirma sa isang pahayag kaugnay ng pagkamatay ng kanyang asawa.

Una na rito, sinabi ni Philippine National Police (PNP) public information office chief Police Colonel Redrico Maranan na sinunod lamang ng Bayambang Police ang direktiba ng Department of the Interior and Local Government Pangasinan para i-validate ang mga ulat ng mga naturang nasawi.