-- Advertisements --
image 73

Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na bawal silang bumili o gumamit ng mga luxury vehicle para sa kanilang operasyon.

Nanawagan si DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. sa mga opisyal ng LGU na maging maingat at sumunod sa mga batas sa budgetary, procurement, at auditing pati na rin ang iba pang mga regulasyon at pamantayan.

Naglabas pa ng listahan ang kagawaran sa mga sasakyan na kinokonsidera na luxury vehicles.

Sinabi ni Abalos na ang mga LGU ay dapat bumili ng mga sasakyan sa pinaka-epektibo at pang-ekonomiyang paraan kung isasaalang-alang na ang mga ito ay cost-effective, fuel-efficient, environment-friendly, at katumbas ng mga pagpapabuti at pag-unlad sa industriya ng automotive at kaugnay na teknolohiya.