-- Advertisements --
LOVE THE PHILIPPINES

Ipinag-utos ng Department of Tourism ang agarang imbestigasyon sa promotional video ng ahensya na may titulong “Love the Philippines”

Kumalat kase ang isyu ang paggamit ng umanoy stock video na kinunan sa ibang bansa.

Ang naturang video ay ginamit sa kalalabas pa lamang na promotional video ng naturang ahensya.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco , na ilang ulit nilang siniguro sa DDB Philippines, contactor ng “Love the Philippines” ang originality at ownership ng mga materyal na ginamit sa nasabing video.

Kaugnay nito ay kaagad naman humingi ng paumanhin ang naturang contractor at inako nito ang lahat ng responsibilidad.

Sa kabila nito ay nilinaw naman ng ahensya na wala silang ginastos para sa production ng video.

Kung maaalala, inihayag ni Frasco na tinatayang aabot sa P49M ang ginastos ng Department of Tourism para sa bagong tourism slogan ng bansa.