Nagtakda ng mga layunin ang Department of Tourism na kinabibilangan ng pagpaparami o nais gawing doble ang bilang ng mga tourist arrival sa kasalukuyang taon kumpara sa nakamit noong taong 2022.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ito ay pagpapakilala sa Pilipinas hindi lamang sa pamamagitan ng mga award-winning na destinasyon kundi sa pamamagitan ng pagpapakilala bilang Hospitality Center of Asia.
Dagdag dito, isa din umano sa layunin ng ahensya na sanayin ang 100,000 frontline Filipino tourism worker sa buong 16 na rehiyon sa taong ito na kung saan ang mga regional director ay sisimulan ang mga agresibong pagsisikap upang higit pang isulong ang mga destinasyon sa ating bansa.
Plano din ng nasabing ahensya na palawakin din ang Philippine experience program at gawin itong matagumpay na proyekto.
Una na rito, target ng Department of Tourism para sa taong 2023 na maabot ang hindi bababa sa tatlong milyon hanggang apat na milyong turistang bibisita sa ating bansa.