Hindi bababa sa dalawang milyong bisita ang naitala sa Pilipinas mula nang paluwagin ng bansa ang mga border restrictions noong Pebrero.
Inihayag ng Department of Tourism (DOT) na katumbas ito ng humigit-kumulang P100.7 bilyong halaga ng kita sa sektor ng turismo, na lumampas sa P4.94 bilyon nitong rekord mula sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sinabi ni DOT Secretary Christina Frasco, nakapag-ulat ang DOT noong Nobyembre 14, na nagpakita ng kabuuang 2,025,421 visitor arrivals sa bansa – 1,487,343 o 73.43 porsiyento nito ay mga dayuhang turista, habang 538,078 o 26.57 porsiyento ay mga overseas Filipinos.
Sa nasabing bilang, nangunguna ang Amerika na may 385,121; sinundan ng South Korea na 285,583; at Australia na may 96,297.
Magugunitang, ang pagbangon sa sektor ng turismo mula sa pagkalugmok na dulot ng matagal nang pandemya ng COVID-19 ay kabilang sa mga prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil dati niyang binanggit na ang turismo ay isang “mataas na potential driver para sa transformation ng ekonomiya.